Saturday, August 25, 2012

CSSP Virus

1. P- arang
    S- abi
    Y- ou're
    C- razy
    H- omaygawd!

2. P- ilosopo at
    H- obby
    I-analyze
    L- ahat ng
    O- bservable

3. A- nalyzing
    N- akalipas na
    T- ime at
    H- uman
    R- elics
    O- vertime

4. G- ala
    E- verywhere to
    O- btain
    G- rade

5. S- osyal
    O
    C- onio
    I- niintindi
    O- ver-all

6. K- akatakot
    A- ng
    S- ubject

7. P- eople
    O- bsessed
    L- agi
    S- a
    C- urrent
    I- ssues

8. L- aging
    I- niisip
    N- a
    G- ood
    G- rammar

9. C- ollection of
    S- ari
    S- aring
    P- eople

10. A- lways
      S- entro

Tuesday, July 31, 2012

Ang Dapat Mabatid ng mga Kabataan

 ITONG kabataan, na pala-laro noong unang panahon ng ating dakila na mga magulang, noong hindi pa sikat sa mga lupaing ito ang mga DotA, ay nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kalaro niya ang mga kaibigan at lalung-lalo na ang mga kapitbahay, sila ay masayahin at mapaghihiraman ng mga laruan, malabis ang pagyaya ng lahat ng patintero, kayat dahil dito'y maliit ang tiyan ng lahat. Babae't lalaki at sampung mga bilang ay marunong tumakbo at magtagu-taguan ng talagang tagu-taguan nating mga Pilipino.

Dumating ang mga kompyuter at dumulog na nanghihikayat. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo'y ipakikilala sa lalong karahasan, at lalong lalawakin ang ating imahinasyon, ang nasabing aktibo ay nangyaring nalamuyot sa ganda ng kanilang mahika sa pakikipagdigmaan. Gayon man, sila'y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga Pilipino na kaadikan at pinapagtibay ang kanilang pagpupuyat sa pamamagitan ng isang panunumpa na maglalaro ng maraming oras sa kani-kanilang mga bahay, at yao'y masaya't lalaruin nilang kapwa, tanda ng tunay at lubos na paglalaro na hindi magtetext sa girlfriend. Ito'y siyang tinatawag na DotA ng War Craft at ni Eul na kinaaadikan ng kalalakihan sa kompyuteran.

Buhat nang ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong dantaong mahigit na ang lahi ni Eul ay ating binubuhay sa lubos na kaadikan; ating pinapadami at pinapagalitan, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugugol natin ang yaman, tulog at oras ng buhay sa pagbubuhay sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila ay pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga cellphone at mga playstation na nagbalak na umagaw sa kanila nitong kabataan.

Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugugol? Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong lelevel-up sa kagalingan? Bagkus tayo'y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating kabataan. Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating kabataan.

At kung tayo'y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na mga magulang, pamilya at magandang pag-aaral. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking distorbo at karakarakang nilalapatan ng malahayop na pagmumura.
Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan. Ngayon, lagi nang ginagambala ang ating

katahimikan ng umaalingawngaw na atake at mura, buntong-hininga at hinagpis ng manlalaro na natalo, nobya't mga magulang ng mga kabataang ipinanganyaya ng mga manlulupig na kompyuter.


Ngayon, tayo'y malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nasakupan na buhay ng anak, sa pananangis ng nobya na pinangulila ng kaadikan, na ang bawat patak ay katumbas ng isang paglalarong oras na sumasalang sa kompyuterang mahigpit ng ating nagwawaging kapitbahay. Ngayon, lalo't lalo tayong nilulunod ng larong nakakaadik sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.

Ano ang nararapat nating gawin?

Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya'y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga kamayng nagbigay ng allowance alay sa atin ng mga ganid na asal.

Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong katamaran, lalo't lalong katabaan, lalo't lalong kaadikan, at lalo't lalong kaguluhan.

Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa paglalaro sa kompyuterng nakakabangag na hindi nakakatulong at hindi mabuti.

Itinuturo ng katwiran na tayo'y umasa sa ating sarili at huwag sayangin sa iba ang ating kalakasan.

Itinuturo ng katwiran na tayo'y magbalik, magsipag at sumubok, at tayo'y muli na maglaro ng patintero ang naghaharing laro sa ating Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan.

Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling lakas, may puri, may hiya at pagdadamayan.

Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga kabataan ang pinagmulan ng kanilang mga kasiyahan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat takbo natin ay lumalakas tayo at nahahasa sa mabilis na paraan ng hindi na sa atin ay mauumang ng mga kaaway.

Kaya, O mga kabataan! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na paglalaro na magtagumpay sa totoong laro ng bayang tinubuan.

Wednesday, July 18, 2012

Problem?


1.                         One day…
2.                         Eating
3.                         Eating at bottega
4.                         Eating (@ The Tinderbox)
5.                         Eating Dumplings
6.                         In Butuan now. Eating at Jollibee
7.                         Coco Crunch for night snack
8.                         Skill:"Eating tons of food without gaining weight"

Gah I need to get fatter :|
9.                         I think this vegetarian diet is reducing my waist from 32 back to my original 27.5 @_@ But I don't want to eat meat!! I need to find alternatives to gaining weight from this diet...anyone have a suggestion?
10.                      In one hand a glass of beer, the other a karaoke microphone. Let the night begin :D

Monday, July 9, 2012

Paalam Pitong Araw


Pitong araw lang
Damdamin at puso’y tigang

Hindi ka na matanaw
At sabihin na di ka bibitaw

Lagi lang naman may sisingit
Mamumula ang langit

Wala na
Tanggap ko ‘to aking sinta

Pero para sa’yo
Ang awit ng pusong ito

Dahil ang tanging panalangin
Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Tugtugin ang lahat liyag pagkat ako iyong liham
Paalam

Wednesday, July 4, 2012

Cento, ano 'to?

Nagmula ang salitang cento sa isang Latin na salita na ibig sabihin ay "tagpi-tagpi" o "patchwork". Ang cento, o tulang pinagtagpi-tagpi (collage poem), ay
"isang uri ng tula na kung saan ang mga linya nito ay mula sa tula ng iba't ibang makata." -probinsiyana13 (twitter.com)
Bagamat kagawian ng iba na kumuha ng mga linya mula sa ibang may-akda at gawin itong "kanila", ang totoong cento ay binubuo ng purong linya ng iba.



Mula sa: http://www.poets.org/viewmedia.php/prmMID/5771

Los blogs de mis amigos