Monday, July 9, 2012

Paalam Pitong Araw


Pitong araw lang
Damdamin at puso’y tigang

Hindi ka na matanaw
At sabihin na di ka bibitaw

Lagi lang naman may sisingit
Mamumula ang langit

Wala na
Tanggap ko ‘to aking sinta

Pero para sa’yo
Ang awit ng pusong ito

Dahil ang tanging panalangin
Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Tugtugin ang lahat liyag pagkat ako iyong liham
Paalam

No comments:

Post a Comment